Ang AlertPay ay isang online account na parang banko kung saan pede mong itago at ilabas ang pera mo. Ito ay halintulad sa paypal kung saan nakakalipat ka ng pera sa pamamagitan ng Email.
Paano Gumawa
1. Mag Sign up sa link na ito at sundin ang mga instructions na ibibigay.
2. Gamitin lamang ang iyong main email address sa account na ito at ang username na palaging mong ginagamit at password upang di malimutan at piliin ang Personal Pro account kung saan pede kang magpadala at makarecieve ng pera. Wag ito balewalain dahil ito ay parang online bank account at ilagay ang tunay na pangalan kung paano ito nakasulat sa iyong ID at address kung saan ka talaga nakatira kasi sila ang gagawa ng Checke mo. Isang mali lamang ay maaring kahantungan ng pagkawala ng pera mong makukuha.
3. Sa isang parte ng pag gawa ng account dito ay hihingi ng Pin code or pin generation. Gamitin ang number ng iyong kaarawan para di mo malimutan. Anim na numero ang kailangan upang gumawa ng pin code. At kada mag wiwithdraw ka ng pera ay gagamitin ito.
4. Pagkatapos gumawa ay pumasok sa iyong email upang hanapin kung tumalab ang iyong pag rehistro ng account.
Ang huling hakbang ay importante ngunit di naman agad agad dapat gawin, ito'y kailangan na lamang kapag may pera ka na sa loob ng Alertpay account mo at gagawa ka na ng checke upang ipadala sa iyong bahay.
5. Pag nakumpirma na ang account mo ang susunod na hakbang ay ang pag veverify ang iyong account. Ito hinihingi na katibayan ng Alertpay upang malaman nila na ikaw ay isang tunay na indibidwal at hindi kathang isip lamang. Mag scan ng Government ID at isang bill mula sa meralco o tubig na may address mo na tulad ng nakalagay sa ID at upload sa Alertpay. Mag sign in sa account mo sa Alertpay at iclick ang salitang "Become Verified" na makikita sa main page ng iyong account. doon mo maaring i-upload ang iyong mga scanned ID at bills. Kung di ikaw ang may ari ng bahay tulad ng ikaw ay anak lamang at nakapangalan sa iyong magulang sulatan lamang ang support ng AlertPay pagkatapos mong ipadala ang iyo impormasyon sa pamamagitan ng pag click ng salitang contact us at ipaliwanag ang iyong sitwasyon sa kanila na di sa iyo nakapangalan ang bill kundi sa iyo magulang. Suguraduhin na pareho ang nakalagay na address sa iyong ID at sa Bill at sa nirehistro mong account upang di malito ang sistema at di ka paghinalaang peke.
Pumunta na sa susunod na Hakbang kung saan ikaw ay tuturuan na paano kumita. Kung di maintindihan ang mga hakbang na nainturo ko wag nang subukan ang susunod kasi maari di mo rin ito masundan. Ang hinahanap ko lamang ay mga taong seryoso at madaling turuan.

No comments:
Post a Comment